Litratong Pinoy#6-Ina (Mother)
Bilang pag-ala-ala sa kadakilaan ng mga “Ina“,ang tema ngayong linggo sa LitratongPinoy ay para sa kanila.Ilalahathala ko sana ang litrato ko dahil ako rin naman ay isang ina,pero sino naman ang may gustong makakita sa akin?Kung larawan naman ng aking ina ang ilalagay ko,hindi rin naman nya makikita kasi hindi naman sya marunong maginternet. Kaya nagpagpasyahan ko na lang na ilagay itong alagang pusa ng pamangkin ko,siya ay si Batik,dahil sya ay naging ina sa unang pagkakataon,kahapon sya ay nagsilang ng 5 cute na mga kuting,nung inampon sya ng pamangkin ko ay isa lang din syang gusgusin na kuting,ngunit dahil si Ian ay may puso para sa mga hayop,inalagaan nya ito at kahapon nga ay lumabas na rin ang kanyang unang kuting. Pasensya na sa larawan kasi nasa ilalim sya ng isang maliit na tindahan at nahirapan akong kuhanan ng litrato.Siguro naman kung pagiging ina ang pag-uusapan,mapatao man o hayop ay iisa lang ang adhikain nating mga ina,siguraduhing nasa mabuting kalagayan ang ating mga anak.At sino o ano pa nga ba ang pinakadakila maliban sa pagmamahal ng isang Ina,walang paaralang makapagtuturo kung paano gampanan ang pagiging Ina. Walang “Unibersidad ng pagiging Ina”, ngunit ito ay ang pinakamahirap na gawain na pwedeng gampanan at ito ang klase ng trabahong hindi ka pwedeng magkamali, at hindi lahat ng babae ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon,kaya kung ikaw ay isang ina ikaw ay mapalad o kung ikaw naman ay isang lalake at buhay pa ang iyong ina,sana ay mahalin mo sya sa abot ng iyong makakaya at ganon din ang ina ng iyong mga anak.

(To commemorate the Mother’s Day,LitratongPinoy’s theme for the week is about Mother.I was thingking of positng my own picture since I’m a mother too but who want to see that??And if I post my mom’s pic,she wouldn’t see it too because she have no idea how to get online.So i decided to post Batik’s picture instead,she is my nephew’s cat,she became a mom for the first time yesterday when she gave birth to 5 cute kittens. She herself was only a dirty li’l kitty when my nephew adopted her but because Ian have a heart for animals,he took her home and take good care of her and finally she have her own kitties now. Sorry for the picture,she was hiding under the mini- store.Everybody knows that in terms of being a mother, being animals or human is irrelevant,because as a mom our main goal is to make sure that our children are safe from any forms of harm.And what’s the greatest thing other than our mother’s love,it’s the hardest job to do and you can’t learn it from any schools in the world,there’s no such things as “University Of Motherhood”.And not all woman have been given a chance or priviledge to be a mother,because If you’re a mom,it’s a kind of job that no one expect you to fail.If you are a guy and your mom is still around please love her with all your heart and also the mother of your children.)


















tama ka wala nga unibersidad para sa mga ina. dakila talaga lahat ng Ina.
Comment by bluep — May 8, 2008 @ 10:51 am
touching yung caption, wala tlgang university for mothers wla naman kasi genreal rule sa pagpapalaki ng anak eh…
parang painting ung balahibo ng malaking cat…
happy huwebes…
Comment by emoterang nurse — May 8, 2008 @ 12:02 pm
sang-ayon ako sa iyo!
magandang lp!
Comment by teys — May 8, 2008 @ 3:01 pm
Maganda ang iyong mensahe ngayong linggo. Mabuhay ang mga dakilang ina!
Comment by Pinky — May 8, 2008 @ 3:15 pm
sabi nga nila, mothers are modern day heroes…
Comment by sardonicnell — May 8, 2008 @ 9:49 pm
naisip ko rin ang ganyang litrato ngunit walang pagkakataon…
magandang araw sa’yo!
Comment by lids — May 8, 2008 @ 11:25 pm
iba talaga ang mothers’ instincts ano?
Comment by kaje — May 9, 2008 @ 4:38 am
Buti hindi na pikon sa iyo si Batik… kunan mo ba naman siya ng litrato habang siya’y nagpapa breastfeed. heheh!
Comment by Leap of Faith! — May 9, 2008 @ 5:03 am
aww. may inampon akong kuting, kaso nilayasan ako after 4 months. kainis. pero okay lang, mothers need to understand that after some time, they need to let go of their child. hay.
Comment by vera — May 9, 2008 @ 5:11 am
henukebah! Syempre KAMI, gusto ka namin makita!
Happy Mother’s Day sa iyo Willa!
Comment by Thess — May 9, 2008 @ 11:26 am
mahirap maging ina. nakakatakot magkamali kasi hindi lang buhay ang nakasalalay kundi buong pagkatao ng anak ang nakadepende sa pagpapalaki nya.
hapi maders dey
Comment by Dyes — May 9, 2008 @ 1:00 pm
salamat sa mga ina at salamat sa nagkaloob sa atin sa ating mga ina.
Comment by RoseLLe — May 11, 2008 @ 10:13 am
Happy Mothers’ Day! Ganda ng entry!
Comment by MommyBa — May 11, 2008 @ 10:53 am